Monday, October 13, 2008

Unang Pagbati

Magandang umaga! Ako si Mayda. Simpleng empleyada lang ako, pero ang kagandahan ko inde simple (wag kang aangal haha) juz kidding! Naisipan ko habang nagkakape na gumawa na lang ako ng isang bagay na makakatulong din sa iba. Para sa nagnanais na makabasa or makarelate sa buhay-buhay ng isang empleyado na umiikot ang mundo sa apat na sulok tulad ko..tawag ditoh? cubicle. sosyal kasi sa iba, table table lang...pero ditoh sa mundo ko, naka-cube ako... akala mo naman eh mataas na un sweldo komo ikinulong ka sa ganitoh no no no no... pareho lang, baka nga mas maliit pa dahil kung wala ka sa loob makakapagreklamo ka agad, kung nasa loob ka ng cube, tameme ka lang, di makikita ng amo ang pagsimangot mo sa kakarampot mong sweldo.

magbasa-basa ka lang lagi ditoh, isusulat ko ang nangyayari sa buhay ko, na malamang nangyayari din sayo, kung katulad kita na nagtatrabaho walong oras sa isang araw, sumusweldo ng akinse katapusan, nagkakape sa umaga, nagtitipa sa pc, nagsusulat ng memo, nagbabasa ng memo, namememohan, at minsan umaabsent ng walang dahilan? tama ka ng napuntahan..tulad ko at tulad din ng iba, madami ekspiryensya na kumplikado pero nakapagpapatuto.

isa lang muna un lesson na iiwan ko.... mabait man daw na empleyado, nanlalamang din sa amo hahahaha... enjoy and thanks for dropping by!

No comments: