Sunday, October 19, 2008

Lunes na lunes...

Lunes, parang solo ko ang mundo. Un isa kong kasamahan, inde nakapasok kaya wala akong makausap at makita sa pagdungaw ko sa susunod na cubicle. Un isa naman, pumasok nga, pero ayokong kausap at ayokong makita hehe.
Katatapos ko lang magkape, nilalamig na naman ako, para akong sa alaska nagtratrabaho samantalang sa kalabang kumpanya ako (uyy may hint na sila...akala nyo nestle? mali kayo jan hehe) Ayoko pang kumain ng lunch maski nagugutom na ko kasi sa palagay ko pag nakita ko sya sa pantry mawawalan ako ng gana, baka inde ko pa maubos un baon kong unan...un kanin ko na kasing laki ng unan hahaha... bakit ba lalake lang ba me karapatan magalit sa kanin? eh sa galit ako eh... saka minsan lang naman naks palusot hehe... mamaya na ko kakain..
hmmm wala ako magawa...hayyy ano kaya pwede isulat? un experience ko last weekend sa Megamall na megasale na grabeh sa dami ng tao? as in! sakit na sa paa, sakit pa sa bulsa..bakit kasi nauso pa ang shopping galore, bakit inde na lang shopping bulag? un tipong lakad ka ng lakad pero wala kang nakikita kaya inde ka makakabili hehe... makakatipid ka na, makakauwi ka pa kasi wala kang nagasta na pera hahahaha.

ok lang naman din na walang nabili, madami ka naman pwedeng gawin eh...magpabalik-balik ka sa mga free taste, un tipong kakausapin mo un promo girl habang kain ka ng kain tapos wag kang bibili syempre! another is un pumila ka sa mga free make-up session, kahit inde ka namimili, pag natapos ang make-up sayo, mas maganda ka pa malamang sa mga mapepera sa paligid mo ohh dibah? meron pa, un mga namimigay ng leaflets sa bahay, credit card or pagkain etc...kunin mo ng kunin, mangolek ka, tapos umupo ka sa bench at basahin lahat gang sa magsawa ka at maubos ang oras mo. isa pang magandang gawin eh makikanta sa nagpopromo ng magic sing, malay mo maganda pala un boses mo madiscover ka pa. o kaya naman, palaging ibigay ang wrist mo sa mga nasa perfume section ng sa gayon inde ka lang nakamake-up, mabango ka pa..at wag din kalimutan na gamitin lahat ng tester ng perfume, sayang din un maski iba ibang amoy, pare-pareho din un...pababanguhin ka. pagtapos ka na sa mga yan, pwede ka ng umuwi, sulit ang punta mo sa mall, wala kang nagastos, maganda ka, mabango...at sikat ka pa kasi nasa camera ka nila... most wanted window shopper hehehe... goodluck!

lesson learned: sa pagpunta sa mall: dibah mas masaya kung me naiuwi ka, pero di naglabas ng pera?

No comments: