dumarating pala talaga sa buhay trabaho ng isang tao un pagtatanong kung mag-stay ka pa ba or talagang aalis ka na lang kasi inde mo na matiis un nakikita, naririnig or nababasa mo...
heto na naman ako sa crossroad ng trabaho. namimili kung saan papunta. nag-iisip kung kakayanin ko pa bah. bakit ganon? kung walang problem sa kumpanya, talagang dapat me sisingit na iba grggg...pasaway talaga un buhay opisina. isipin mong kaswerte mo na sa mngt eh, un kapwa empleyado mo naman un palagi na lang naninira ng araw mo. ayoko sanang pansinin, ayoko sanang sumuko, at ayoko sanang bigyan sya ng ikakatuwa nya..pero parang hindi ko na makaya... ang hirap pala ng magkaiba ang generation nyo... andami mong dapat iconsider, pero un matanda wala naman ginagawa para sa mga bata...kaya un bata un asal matanda, at un matanda eh asal bata.
kung wala bang sasabihing maganda, inde ba pwedeng itikom na lang un bunganga(yes bunganga talaga inde bibig, kasi anluwang, kasing luwang ng buong NLEX!!). Yun kasing officemate ko eh ganyan, sya si Ta, yes un ang name nya, isang letter na lang un kulang eh mabaho na anoh? Fullname nya eh Ta Pya wahahaha. Bakit inde nya magawang magpakumbaba? antaas-taas ng tingin nya sa sarili nya eh 5flat lang naman sya hehe, palagay ko naman inde mataas ang ihi nya kasi babae sya at inde nya kayang itaas un maski tumuwad tuwad pa sya jan. Saka bakit ang bastos bastos nya sa kapwa nya... papansin nya or aalukin ang iba tapos ako inde..dibah kakainis! eh inde naman ako kukuha ng inaalok nya kaya lang naman haller, andun din ako noh, paka-civil naman sya, unprofessional un attitude nya na un..wa keber sa ibang tao na di nya feel..bakit ako ba feel ko sya? sa palagay ba nya gusto ko sya kausapin? gusto ko sya makasama? in her dreams!!! syempre HINDE. pero inde ko naman un ipagsasampalan sa kanya, inde naman ako kikilos na parang ayoko syang makita, at lalong ine ako mambabastos ng harap-harapan.
saan kaya toh lumaki? i mean tumanda? nabinyagan kaya sya ng holy water? kasi parang me sa demonyo un ugali eh..naknakan ng sama! parang nana pa ha..inde pwedeng masaling at puputok sa galit, eh samantalang pag sya un gumagawa ng inde maganda, dedma! paano kaya sya pinalaki ng magulang nya? inaruga kaya sya? binigyan kaya sya ng leksyon nun bata pa sya at nagjijinarte na sya, primadona ini? pinalo kaya sya or pinalo nya un parents nya? sana kasi pinaluhod sya sa munggo or asin para lumaking inde salbahe! hayyy siguro wapakels din un magulang, or siguro inde na sya kaya, kasi nga bata pa lang eh nagmamaldita na.
anyway, TGIF na. buti naman! atlis makakapahinga un mata ko (whew!) at un tenga ko sa kakarinig sa boses nyang parang si matutina.
lesson: para sa lahat ng nakakarelate: inde lahat ng maingay at palabati, mabait. at inde lahat ng tahimik at walang kibo, nasa loob ang kulo. Minsan, mas gugustuhin mo pa ang tahimik na inde naninira sa iba, kesa sa madaldal na palingharap pala.
Wednesday, October 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment