akala ko pag pay period inde ka pwedeng mainis kasi sweldo time na at akala ko din na pag malamig ang panahon, wala kang karapatan na uminit ang ulo, pwede din pala. Lalo na kung ang isang kaopisina mo ay may nag-iisang misyon sa mundo: ang sirain ang araw mo, iparamdam sayo na inde ka kailanman liligaya, na wala syang gagawin kundi ang asarin ka, at wala syang pakelam kung umuusok na ang ilong mo sa inis dahil masaya sya na malanghap ang usok na un! adik!
inde ko akalain na darating sa buhay ko (naks ang drama!) ang mainis at mabwisit sa isang tao! palagi naman ako nagdarasal na sana maging mabuti akong nilalang maski gaano pa kasama ang mundo...pero ewan ko bah kung kelan ka naman nagpapakabuti, dun naman hinihila ka maging masama... sa ginagawa nyang inde maganda, ako ang nagkakasala. Oo ako. Paano? kasi sa tuwing eepal sya, gusto ko syang balatan at ang makukuha kong papel sa balat nya, susubo ko sa bunganga nya. Sa tuwing magyayabang sya, gusto ko syang tusukin ng karayom para lumabas ang mga hangin na pumupuno sa kanyang katawan . Sa tuwing mag-iinarte sya tungkol sa pabango nya (na branded daw!), gusto ko syang buhusan ng tubig mula sa inodoro at sabihing albatrozz ba pabango mo? At oo, sa tuwing haharang sya sa daan, gustong gusto ko syang sementohan para tuluyan na syang maging poste! o kaya naman tapirin ko na lang para madapa at magtanda...pero inde pwede dibah? haller... ang hirap lalo na dedma sya!
Maaaring exaggerated lang ako, or sasabihin nyo dun na lang ako sa cube ko...pero por dyos por santo, dinig na dinig ko boses mula sa kinalalagyan ko, samantalang milya-milya ang layo nya sa lugar ko! Sino ba naman ang inde maiimbyerna? ikaw kaya... sa una siguro pagpapasensyahan mo, pero pag palagi na lang...abah naman.. maawa sana sya, ayokong magdusa!
Hanggang ngaun in denial stage pa din sya. Madami na pumupuna pero dedma. Siguro kasi ganoon na talaga sya, desperada, insecure at talaga sigurong mal-edukada...waaaa ang sama ko bah? Sabi na sa inyo eh, sa ginagawa nya ako nagkakasala... mabuti na lang walang kulungan para sa mga may maiitim na balak pero inde sinasakatuparan at nananatiling nasa loob lang! dahil kung meron matagal na kong labas-pasok at puno ng tatoo ang katawan... nakasulat sa tatoo ko... taena, magbago ka na, wala na ko pampyansa!
Inde nawawala ang ganitoh sa opisina, parang may sarili silang ritual para padamihin ang kanilang lahi... isa na lang siguro ang pwedeng ipanlaban sa kanila... ang gumawa ng sariling kulto... un grupo mo na magdadasal para sa kanilang ikapagbabago, pero kung magbago sila at sumapi sa grupo, wag na lang tanggapin, at sabihin na un rules eh "bawal isapi ang dating maysapi" haha..
lesson learned: sa opisina, palaging may kontrabida, pag naisahan ka, magpasensya, pag nadalawahan ka? ikaw ang may sala!
Monday, October 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment