Wednesday, October 22, 2008

Bakit malaki ang bunganga ni Ms. Ta Pya

dumarating pala talaga sa buhay trabaho ng isang tao un pagtatanong kung mag-stay ka pa ba or talagang aalis ka na lang kasi inde mo na matiis un nakikita, naririnig or nababasa mo...

heto na naman ako sa crossroad ng trabaho. namimili kung saan papunta. nag-iisip kung kakayanin ko pa bah. bakit ganon? kung walang problem sa kumpanya, talagang dapat me sisingit na iba grggg...pasaway talaga un buhay opisina. isipin mong kaswerte mo na sa mngt eh, un kapwa empleyado mo naman un palagi na lang naninira ng araw mo. ayoko sanang pansinin, ayoko sanang sumuko, at ayoko sanang bigyan sya ng ikakatuwa nya..pero parang hindi ko na makaya... ang hirap pala ng magkaiba ang generation nyo... andami mong dapat iconsider, pero un matanda wala naman ginagawa para sa mga bata...kaya un bata un asal matanda, at un matanda eh asal bata.

kung wala bang sasabihing maganda, inde ba pwedeng itikom na lang un bunganga(yes bunganga talaga inde bibig, kasi anluwang, kasing luwang ng buong NLEX!!). Yun kasing officemate ko eh ganyan, sya si Ta, yes un ang name nya, isang letter na lang un kulang eh mabaho na anoh? Fullname nya eh Ta Pya wahahaha. Bakit inde nya magawang magpakumbaba? antaas-taas ng tingin nya sa sarili nya eh 5flat lang naman sya hehe, palagay ko naman inde mataas ang ihi nya kasi babae sya at inde nya kayang itaas un maski tumuwad tuwad pa sya jan. Saka bakit ang bastos bastos nya sa kapwa nya... papansin nya or aalukin ang iba tapos ako inde..dibah kakainis! eh inde naman ako kukuha ng inaalok nya kaya lang naman haller, andun din ako noh, paka-civil naman sya, unprofessional un attitude nya na un..wa keber sa ibang tao na di nya feel..bakit ako ba feel ko sya? sa palagay ba nya gusto ko sya kausapin? gusto ko sya makasama? in her dreams!!! syempre HINDE. pero inde ko naman un ipagsasampalan sa kanya, inde naman ako kikilos na parang ayoko syang makita, at lalong ine ako mambabastos ng harap-harapan.

saan kaya toh lumaki? i mean tumanda? nabinyagan kaya sya ng holy water? kasi parang me sa demonyo un ugali eh..naknakan ng sama! parang nana pa ha..inde pwedeng masaling at puputok sa galit, eh samantalang pag sya un gumagawa ng inde maganda, dedma! paano kaya sya pinalaki ng magulang nya? inaruga kaya sya? binigyan kaya sya ng leksyon nun bata pa sya at nagjijinarte na sya, primadona ini? pinalo kaya sya or pinalo nya un parents nya? sana kasi pinaluhod sya sa munggo or asin para lumaking inde salbahe! hayyy siguro wapakels din un magulang, or siguro inde na sya kaya, kasi nga bata pa lang eh nagmamaldita na.

anyway, TGIF na. buti naman! atlis makakapahinga un mata ko (whew!) at un tenga ko sa kakarinig sa boses nyang parang si matutina.

lesson: para sa lahat ng nakakarelate: inde lahat ng maingay at palabati, mabait. at inde lahat ng tahimik at walang kibo, nasa loob ang kulo. Minsan, mas gugustuhin mo pa ang tahimik na inde naninira sa iba, kesa sa madaldal na palingharap pala.

Tuesday, October 21, 2008

malapit na kong umuwi. konting oras na lang un hinihintay ko pero parang antagal, tagal, tagal, tagal pa din ng bawat minuto... nagawa ko na lahat ng trabaho ko, nakapagtoothbrush na ko kasi pauwi na hehe, natapos ko na un reports, na-email ko na un mga dapat kong ieemail na customers, suppliers, contacts, prenship, at pati un mga dapat iforward eh na-i-forward ko na kasi nanankot pa sa bandang hulihan ng message eh, baka daw pumanget ako kung di ko ifoforward, hmmm...ano pa bah dapat ko gawin? na-update ko na friendster ko. nabasa ko na lahat ng emails ko from jobstreet. na-upload ko na un mga pictures ko sa photobucket. na-email ko na mga berks sa yahoo groups. naka-isandaan na posts ako sa forum ng member ako. at etoh nga nagpopost ako sa blog ko. sana naman eh wala ako nakalimutan...mahirap na...
hayyy tagal naman ng oras... tagal din ng pagpretend ko na busy day ang tuesday ko pero the truth is, wala naman magawa ngaun, unlike pag monday nakuu leche patane...andaming trabaho! mabuti na lang at un trabaho ko parang bula, pag di mo nagawa today, inde mo na makikita kinabukasan, parang nagseself destruct haha... ewan ko bakit ganon un system, siguro un nagdesign nun eh tamad wahahahahha... pero minsan panget din un kasi pag me nakalimutan ka, need mo pa idownload buong files at hanapin un inde mo nagawa..kasi naman eh inde mo inagapan nun nasa mailbox mo pa, ayan tuloy napunta agad sa mailbox ng iba..sa boss mo..meaning inde mo na kaya un situation, kaya boss na un magtatrabaho...ohh dibah hitech? iba kami eh... pero madalas napupuna ng boss ko, sya lang un nagtatrabaho at ako eh inde...sinasabi ko na lang mabagal un pc ko, narereceive ko eh 4:59 na halos pauwi na ko kaya inde ko na hinahabol..tapos kunwari kukunin ko na lang ulit, then tatanggi si boss at sasabihin nagawa na nya...lusot wahahahhaha
hayyy makauwi na nga.... wala na ko talaga magawa..

may lesson pa din ako ngaun araw na toh: sa araw na itoh, nabigyan ako ng sagot, tama ako mahirap na kalaban ang pagkabagot.

Sunday, October 19, 2008

Lunes na lunes...

Lunes, parang solo ko ang mundo. Un isa kong kasamahan, inde nakapasok kaya wala akong makausap at makita sa pagdungaw ko sa susunod na cubicle. Un isa naman, pumasok nga, pero ayokong kausap at ayokong makita hehe.
Katatapos ko lang magkape, nilalamig na naman ako, para akong sa alaska nagtratrabaho samantalang sa kalabang kumpanya ako (uyy may hint na sila...akala nyo nestle? mali kayo jan hehe) Ayoko pang kumain ng lunch maski nagugutom na ko kasi sa palagay ko pag nakita ko sya sa pantry mawawalan ako ng gana, baka inde ko pa maubos un baon kong unan...un kanin ko na kasing laki ng unan hahaha... bakit ba lalake lang ba me karapatan magalit sa kanin? eh sa galit ako eh... saka minsan lang naman naks palusot hehe... mamaya na ko kakain..
hmmm wala ako magawa...hayyy ano kaya pwede isulat? un experience ko last weekend sa Megamall na megasale na grabeh sa dami ng tao? as in! sakit na sa paa, sakit pa sa bulsa..bakit kasi nauso pa ang shopping galore, bakit inde na lang shopping bulag? un tipong lakad ka ng lakad pero wala kang nakikita kaya inde ka makakabili hehe... makakatipid ka na, makakauwi ka pa kasi wala kang nagasta na pera hahahaha.

ok lang naman din na walang nabili, madami ka naman pwedeng gawin eh...magpabalik-balik ka sa mga free taste, un tipong kakausapin mo un promo girl habang kain ka ng kain tapos wag kang bibili syempre! another is un pumila ka sa mga free make-up session, kahit inde ka namimili, pag natapos ang make-up sayo, mas maganda ka pa malamang sa mga mapepera sa paligid mo ohh dibah? meron pa, un mga namimigay ng leaflets sa bahay, credit card or pagkain etc...kunin mo ng kunin, mangolek ka, tapos umupo ka sa bench at basahin lahat gang sa magsawa ka at maubos ang oras mo. isa pang magandang gawin eh makikanta sa nagpopromo ng magic sing, malay mo maganda pala un boses mo madiscover ka pa. o kaya naman, palaging ibigay ang wrist mo sa mga nasa perfume section ng sa gayon inde ka lang nakamake-up, mabango ka pa..at wag din kalimutan na gamitin lahat ng tester ng perfume, sayang din un maski iba ibang amoy, pare-pareho din un...pababanguhin ka. pagtapos ka na sa mga yan, pwede ka ng umuwi, sulit ang punta mo sa mall, wala kang nagastos, maganda ka, mabango...at sikat ka pa kasi nasa camera ka nila... most wanted window shopper hehehe... goodluck!

lesson learned: sa pagpunta sa mall: dibah mas masaya kung me naiuwi ka, pero di naglabas ng pera?

Wednesday, October 15, 2008

Si Liar at si Bao

"Insecure people are liars; liars are sinners, therefore all insecure are sinners!"

Liar/Insecure: hinde nagsasabi ng totoo, inde consistent. inggitera/inggitero kaya nagsisinungaling. mahirap kausap. inde totoo. wag kukuning testigo, matatalo sa kaso.

Engerts/T@ng@/Dumbelina/Bao: .walang laman ang utak kundi agiw, at kung minsan maski agiw ayaw tumira sa utak nya. mahirap kausap kasi para kang nagsasayang ng oras. pero minsan tyagain mo na kung wala kang magawa, sayang din dahil sa hirap ng buhay sila ang nagpapatawa sayo.

halika, mainis at matawa sa dalawa...eto sila:
=============
si bao: (tipa, tipa, tipa) kakainis naman nahihirapan ako. eh inde kasi ako marunong gumamit nitoh (referring to laptop)
si ako: yan lang di mo pa alam? ano ba problema?
si bao: ano nga kasi tong ginagamit ko?
(sige tawa na hahaha)
==============
si bao: (tipa, tipa, tipa ulit) hay talagang inde ako masasanay ditoh sa laptop
(uy alam na nya, OO sinabi ko, at tinakot ko pa na kung di nya tatandaan kung ano tawag dun eh kakainin na lang syang bigla, dahil nangangain un ng t@ng@ hehe)
si ako: masasanay ka din, para yan lang, i have one in our house that's why im so comfortable. ilan days lang at makakatype ka din hehe
si bao: makabili kaya ng ganitoh para makapagpractice? ano sa palagay mo?
si ako: sure naman, bakit inde? sige hanap tayo sa web or sa mga pc store.
si bao: sige, samahan mo ko sa web ha.
==============
si liar at si ako habang kumakain
si liar: ano yan ginagawa mo mukhang masarap ahh
si ako: oo naman. marmalade toh eh saka tinapay...for sure masarap, gawa ka din
si liar: ayoko di ako mahilig jan.
(kinabukasan, TAKE NOTE: naggagagawa si liar ng kaparehong tinapay na ginawa ko kahapon)
==============
si liar at isang kaopisina:
kaopisina: grabeh naman ang china, may melanine ang mga gatas. un pa naman ang freshmilk ng baby ko..di na ko bibili ulit.
si liar: hay nakuuu mabuti na lang inde ako mahilig sa freshmilk na yan! safe kami sa bahay.
ooooooppppppsssssss before kayo magreact na walang kwenta ang nasa itaas, halika at magflashback tayo isang buwan bago ang eksenang toh:

si ako: sarap talaga ng kape, lalo na kung me freshmilk
si liar: oo naman, paborito ko yan eh. sa bahay inde ako nawawalan ng freshmilk lagi ako umiinom tuwing umaga minsan nga kahit gabi na.
(OPO, totoo nga...na ang katotohanan ay talagang ayaw nyang magsabi ng totoo.)
==============

madami pang instances na napatunayan ko un sinungaling kapatid ng inggitera at un tanga ang katulong nila. iisa silang lahi, iisa rin sila ng misyon. sa mundo ko ngaun, pinipilit ko intindihin si engerts, at pinipilit kong di pansinin si liar/insecure. mahirap makipagplastikan, pero kung minsan kailangan. pero inde rin ibig sabihin na jojoin na ko sa kanila, ano sila bale? alam kong ang gaya nila nakakahawa.........pero ang tulad ko me panangga... kapag in-born ka sa maganda, mananatili kang maganda...maski haluan ka pa, lilitaw pa din totoo... itanong nyo pa ke liar hahaha

lesson learned: if you have it, flaunt it. just be sure that if you flaunt what you have, people will appreciate not laugh.

Monday, October 13, 2008

Inde sya nag-iisa...madami sila

akala ko pag pay period inde ka pwedeng mainis kasi sweldo time na at akala ko din na pag malamig ang panahon, wala kang karapatan na uminit ang ulo, pwede din pala. Lalo na kung ang isang kaopisina mo ay may nag-iisang misyon sa mundo: ang sirain ang araw mo, iparamdam sayo na inde ka kailanman liligaya, na wala syang gagawin kundi ang asarin ka, at wala syang pakelam kung umuusok na ang ilong mo sa inis dahil masaya sya na malanghap ang usok na un! adik!

inde ko akalain na darating sa buhay ko (naks ang drama!) ang mainis at mabwisit sa isang tao! palagi naman ako nagdarasal na sana maging mabuti akong nilalang maski gaano pa kasama ang mundo...pero ewan ko bah kung kelan ka naman nagpapakabuti, dun naman hinihila ka maging masama... sa ginagawa nyang inde maganda, ako ang nagkakasala. Oo ako. Paano? kasi sa tuwing eepal sya, gusto ko syang balatan at ang makukuha kong papel sa balat nya, susubo ko sa bunganga nya. Sa tuwing magyayabang sya, gusto ko syang tusukin ng karayom para lumabas ang mga hangin na pumupuno sa kanyang katawan . Sa tuwing mag-iinarte sya tungkol sa pabango nya (na branded daw!), gusto ko syang buhusan ng tubig mula sa inodoro at sabihing albatrozz ba pabango mo? At oo, sa tuwing haharang sya sa daan, gustong gusto ko syang sementohan para tuluyan na syang maging poste! o kaya naman tapirin ko na lang para madapa at magtanda...pero inde pwede dibah? haller... ang hirap lalo na dedma sya!

Maaaring exaggerated lang ako, or sasabihin nyo dun na lang ako sa cube ko...pero por dyos por santo, dinig na dinig ko boses mula sa kinalalagyan ko, samantalang milya-milya ang layo nya sa lugar ko! Sino ba naman ang inde maiimbyerna? ikaw kaya... sa una siguro pagpapasensyahan mo, pero pag palagi na lang...abah naman.. maawa sana sya, ayokong magdusa!

Hanggang ngaun in denial stage pa din sya. Madami na pumupuna pero dedma. Siguro kasi ganoon na talaga sya, desperada, insecure at talaga sigurong mal-edukada...waaaa ang sama ko bah? Sabi na sa inyo eh, sa ginagawa nya ako nagkakasala... mabuti na lang walang kulungan para sa mga may maiitim na balak pero inde sinasakatuparan at nananatiling nasa loob lang! dahil kung meron matagal na kong labas-pasok at puno ng tatoo ang katawan... nakasulat sa tatoo ko... taena, magbago ka na, wala na ko pampyansa!

Inde nawawala ang ganitoh sa opisina, parang may sarili silang ritual para padamihin ang kanilang lahi... isa na lang siguro ang pwedeng ipanlaban sa kanila... ang gumawa ng sariling kulto... un grupo mo na magdadasal para sa kanilang ikapagbabago, pero kung magbago sila at sumapi sa grupo, wag na lang tanggapin, at sabihin na un rules eh "bawal isapi ang dating maysapi" haha..

lesson learned: sa opisina, palaging may kontrabida, pag naisahan ka, magpasensya, pag nadalawahan ka? ikaw ang may sala!

Unang Pagbati

Magandang umaga! Ako si Mayda. Simpleng empleyada lang ako, pero ang kagandahan ko inde simple (wag kang aangal haha) juz kidding! Naisipan ko habang nagkakape na gumawa na lang ako ng isang bagay na makakatulong din sa iba. Para sa nagnanais na makabasa or makarelate sa buhay-buhay ng isang empleyado na umiikot ang mundo sa apat na sulok tulad ko..tawag ditoh? cubicle. sosyal kasi sa iba, table table lang...pero ditoh sa mundo ko, naka-cube ako... akala mo naman eh mataas na un sweldo komo ikinulong ka sa ganitoh no no no no... pareho lang, baka nga mas maliit pa dahil kung wala ka sa loob makakapagreklamo ka agad, kung nasa loob ka ng cube, tameme ka lang, di makikita ng amo ang pagsimangot mo sa kakarampot mong sweldo.

magbasa-basa ka lang lagi ditoh, isusulat ko ang nangyayari sa buhay ko, na malamang nangyayari din sayo, kung katulad kita na nagtatrabaho walong oras sa isang araw, sumusweldo ng akinse katapusan, nagkakape sa umaga, nagtitipa sa pc, nagsusulat ng memo, nagbabasa ng memo, namememohan, at minsan umaabsent ng walang dahilan? tama ka ng napuntahan..tulad ko at tulad din ng iba, madami ekspiryensya na kumplikado pero nakapagpapatuto.

isa lang muna un lesson na iiwan ko.... mabait man daw na empleyado, nanlalamang din sa amo hahahaha... enjoy and thanks for dropping by!